Basag

Written in Filipino by Carla Montemayor

Add

Ika-walo ng Abril 2013. Kumukutitap ang balita sa telebisyon, headline ang pagkamatay ni Margaret Thatcher sa edad na 87. Napa-ungol ang asawa kong si Andy. Matutulog na raw siya, sabi niya, pero hindi naman siya tuminag mula sa sofa. Tumango ako, tutok na tutok sa telebisyon at pilit na sinusundan ang baha ng mga flashback at vox pop. Binago niya ang bansang ito. Sinira niya ang bansang ito. Dingdong, patay na ang bruha. Ang Babaeng Bakal

Bumuhos ang mga mura at litanya mula kay Andy. Poll tax riot, strike ng mga minero noong 1984! Sumama siya sa mga protesta para suportahan ang mga minero at muntik nang masagasaan ng kabayo. Ilang industriya ang winasak niya! Ano’ng Babaeng Bakal?

Hinayaan ko siyang ilabas ang kanyang galit. Siya naman ngayon. Sa loob ng limang taon naming pagsasama, siya ang kadalasang nakakahagip ng aking suklam na kadalasang bunsod ng mga balita o kaya’y panibagong alituntunin ng Home Office. Nung minsan, pinatugtog niya ang CD ng Here Lies Love, isang musical tungkol kay Imelda Marcos na isinulat nina David Byrne at Fatboy Slim, mga musikerong pareho naming hinahangaan. Nagitla siya sa tindi ng aking pagsabog. Ano ito, tribute? Sumulat sila ng mga kanta tungkol sa mga asawa ng diktador?

Unti-unti siyang kumalma nitong gabing ito at lulugo-lugong tumungo sa kuwarto matapos akong bigyan ng malamyang halik. Tuloy ako sa pag-surf ng Facebook at Twitter. Ano kaya ang sinasabi ng mga tao sa kalye? Sa mga pub? Ibang bagay ang kaalaman ko tungkol sa mga kaguluhan at hidwaan sa Britanya noong panahon ni Thatcher, iba rin ang mapuwesto sa mismong Ground Zero, kung saan sariwa at buo pa ang mga butil ng hinanakit. 

Matapos ang ilang oras ng pagsu-surf, narinig ko ang ugong ng mga sasakyan sa eskinitang katabi ng aming building. Pasukan ito patungo sa likod ng isang punerarya. Dinig ko ang mga boses ng mga lalaki, ang swoosh at blag mula sa bukas-sara ng mga pinto. Iniulat ko lahat ng ito sa aking asawa pagtabi ko sa kanya sa higaan. May nasaksak na naman siguro, bulong niya. Pasado ala-una na ng umaga at hindi pa rin siya makatulog.

Hindi ko siya mapahinahon, tulad ng hindi rin niya ako mapahinanon. Pareho kaming lumaki noong panahon nina Thatcher at Marcos. Nagsumiksik ang poot sa laman, lumago at humaba kasama ng mga pinakamalalambot na buto ng aming pagkabata.

*

Ano ba ‘yang broken biscuits na yan?

‘Yan na ang pinaka-burgis na tanong na narinig ko.

Ibig mong sabihin may mga kumakain ng durog-durog na biswkit?

Mga sampung minuto siyang humalakhak. Bagama’t hasa ako sa Ingles, bilang isa ito sa mga opisyal na lenggwahe ng Pilipinas, mayroon pa ring agwat sa aming pag-unawa ng maraming salita. Halimbawa: Ang tuwirang salin ng broken sa Tagalog ay ‘basag’. Hindi buo. Pira-piraso.

Pero hindi raw durog ang mga broken biscuit, sabi niya. Maaaring may konting depekto sa korte kaya’t mas mura kaysa sa mga regular na biskwit. Ah, parang broken rice. Nabasag ang mga butil sa mahabang byahe mula sa pilapil patungong kamalig. Bumibili kami nito sa Kadiwa, mga tindahang itinayo ng gobyerno noong kasagsagan ng matinding krisis pang-ekonomiya sa Pilipinas circa 1980s. 

Mapa-basag na biskwit o basag na bigas pareho lang naman ang lasa, sabi naming dalawa. 

Bawat paglilinaw ay tulay. Bawat kataga ay nakakawing sa karanasan. Sa pagbabahagi ng mga talasalitaan, ibinabahagi rin namin ang aming nakaraan.

Mahirap ba kayo? Ilang beses na naming tinanong ito sa isa’t isa sa pagtatangkang isalarawan ang aming kabataan. Isa pa ito. Ano nga ba ang kahirapan para sa aming dalawa? Hindi madaling ilapat ang mga hinuha sa pagitan ng mga lipunan. Ang kanyang karanasan ng kahirapan ay may kinalaman sa kawalan ng mga bagong laruan, paglaki sa Hackney, pagtira sa pampublikong pabahay, pag-apply sa mga grants upang makapag-aral sa kolehiyo noong panahong libre pa ang tuition.

Ang kahirapang alam ko, na kumukulo at nagnanaknak sa aking paligid sa Maynila, ay malapit na kamag-anak ng gutom. Kung bumili man ng broken rice paminsan-minsan ang aming pamilya, hindi namin naramdaman ang kawalan. Yung mga patpating batang nagtutulak ng kariton at nanghihingi ng mga tira-tira, ang kaibigan kong si B na nangongolekta ng kaning-baboy sa bawat bahay, si Aling Lilia na aming labandera – sila ang mahirap. Ang mga kapatid ng nanay kong nangalap ng agihis sa baybay habang pauwi galing eskwela, sila ang mahirap. Ubusin mo lahat ng nasa pinggan mo, masuwerte ka at may pagkain kang irereklamo.

Ganito rin ang agwat sa aming pagkakaintindi sa ‘kalayaan’, o kaya sa ‘demokrasya’ at ‘panunupil’. Marami akong nabasa at napanood tungkol sa kalupitan ng pulis noong panahon ni Thatcher, tungkol sa mga riot at sa pag-usig sa mga tumutol sa gobyerno, kasama na ang mga Irish. Pero malaki pa rin ang pagkakaiba kung ikukumpara sa panahon ni Marcos.

Maraming laban kay Thatcher pero ibinoto siya nang ilang beses upang maging Punong Ministro. Si Marcos ay ibinotong Pangulo noong 1965, nagdeklara ng Martial Law noong 1972 at nanatiling pangulo sa tulong ng militar hanggang 1986. Mula sa aking pagsilang hanggang pagtuntong ng 16 anyos, wala akong nakilalang ibang pangulo kundi si Marcos. Sa loob ng panahong ito, 70,000 Pilipino ang nakulong, 35,000 ang tinorture, ayon sa mga opisyal na talaan. Marami pang iba ang pinaslang at naglaho at hindi pa natatagpuan hanggang ngayon. 

Ang paglala ng digmaan, kahirapan at kawalan ng trabaho ay nagtulak sa laksa-laksang Pilipino upang lisanin ang bansa. Ang tugon ng rehimeng Marcos ay ang pagtakda ng malawakang programa ng pagluwas ng mga manggagawa. Noong 1975, mahigit sa 36,000 ang umalis upang mag-trabaho sa ibang bansa. Sampung taon ang makalipas, lumobo ito sa 328,000. Isa pang dagdag na dekada, umabot ito sa ilang milyon. 

Kung ibibilang ang mga tulad ko na nasa ibang bansa bunsod ng iba’t-ibang kadahilanan maliban sa trabaho, may 10.2 milyong Pilipino ang nakakalat sa 100 bansa noong 2013, taon ng pagkamatay ni Thatcher. Sampung porsyento ng populasyon ng Pilipinas, at isa sa mga pinaka-malaking diaspora sa buong mundo. Isa sa bawat sampung Pilipino ang nawatak sa kabuuan.

Wala akong muwang tungkol sa mga ito noong aking kabataan. Natutunan ko na lamang ang mga salita at numero noong pumasok ako sa pamantasan matapos mabuwag ang rehimeng Marcos ng isang mapayapang pag-aalsa noong 1986. Napabilang ako sa hanay ng mga Pilipinong nasa hustong gulang na upang subukang bigyang saysay ang aming pinagdaanan.

Ang tanging napakarimdaman ko sa aking paglaki ay isang mahina ngunit laganap na huni. Mga bulong na nagpapaalang hindi ko dapat laitin ang katawa-tawang pag-awit ni Imelda sa telebisyon. Ang masalimuot na katahimikan sa pagitan ng aking mga magulang habang bumubusina ng protesta ang mga sasakyan sa gitna ng trapik. MARcos. HITler. DIKtador. TUta. Hindi na kailangang magsalita, alam ng lahat ang kahulugan ng ritmo ng aming pagdurusa.

Alam ko ring hindi ako dapat magtanong kung sino ang kumatay sa bangkay na nadaanan namin isang umaga sa gilid ng malubak na daan patungo sa aming eskwela. Nakadapa, babad sa dugo ang maong at nakagapos ang kamay sa likod. Sa aking murang pag-iisip, may namuong pag-unawa ng kasamaan. Hindi malinaw ngunit tiyak. Kung sino man ang mga berdugo, hindi lamang pagpatay ang kanilang intensyon kundi ang pagpapahirap. Nais nila kaming patahimikin sa pamamagitan ng bangungot.

*

Noong 1980 o 1981, nagsimulang mag-trabaho ang tatay ko bilang prosecutor sa Tanodbayan (na ngayon ay kilala bilang Ombudsman). Isa itong espesyal na korteng itinayo ng rehimeng Marcos upang imbestigahan at litisin ang mga kasong kinasasangkutan ng mga opisyal at kawani ng gobyerno – maliban na lang sa mga pinakamalalaking isda, siyempre.

Isang gabi may magkasintahang dumalaw sa aming bahay. Isang batang abogado at ang ang kaniyang nobya. Kabilang sa gobyerno ang tatay ko, hindi siya humahawak ng mga pribadong kaso pero maraming nanghihingi ng payo. Pinaupo sila ng nanay ko sa sala at hinakot kaming magkakapatid patungong kainan. Sinarado niya ang pinto. 

Biglang sumigaw ang tatay ko, dumaloy ang mga mura, sinundan ng malakas na lagpak ng kung anumang babasagin. Dumagsa kami papalabas ng sala. Akala namin ay sinaktan siya ng kanyang mga bisita. Hindi malinaw sa akin sa edad na 11 o 12 kung bakit may mga nais manakit sa aking magulang pero pinagdiinan sa aming magkakapatid ang posibilidad ng karahasan. Galit sa akin ang mga kurakot, sabi ng tatay ko. Kapag nakarinig kayo ng mga putok, dumapa kayo agad.

Tumambad sa aming paningin ang mga piraso ng kristal na ashtray sa may pintuan. Nakasakay na ang mag-nobyo sa kanilang kotse sa labas ng aming gate pero patuloy pa rin sa pagsigaw ang tatay ko.

Sinuhulan ako ng putang-inang gago para daw pagbigyan ko siya sa kaso, paliwanag ng tatay ko nang makabalik kami sa loob ng bahay. Nasipat siguro nito ang bulok naming jeep, ang aming tirahang malayo sa mararangyang distrito ng Manila, at nagpasyang mag-alok ng suhol sa tatay kong kilala sa pagpapakulong ng karamihan ng mga nakasuhan sa Tanodbayan. Swabe lang, konting pakimkim. Ipinatong ng bisita ang makapal na sobre ng pera sa lamesita. Doon sila sinigawan at binato ng ashtray ng tatay ko. 

Sanay ang tatay ko sa mga ganitong panunuhol na kadalasang inaalok sa mga pagtitipon o kainang kanyang dinadaluhan. Pero nang gabing iyon, umabot sa aming tahanan ang kabuktutan. Yung mga bata, paulit-ulit niyang banggit sa nanay ko. Yung mga bata. Tinangka siyang suhulan ng damuho habang nasa kabilang silid ang kanyang mga anak. 

Dito ko natanto kung ano ang isang ‘tyranny’. Walang eksaktong katumbas ito sa Tagalog. Nabasa ko lang ito sa mga bawal na dyaryong ipinipuslit pauwi ng aking mga magulang. Ang tyranny, sa aking pagkakaunawa, ay isang malawak na kulungan kung saan lahat ng aking mga mahal sa buhay, mga kaibigan at kakilala ay naka-bilanggo. Ni isa sa amin ay walang kawala sa kabalintunaan kung saan ang pagiging marangal ay mapanganib.

*

Ika-17 ng Abril 2013 nang maganap ang libing ni Margaret Thatcher. Isang engrandeng okasyong nagsimula sa prusisyon palibot ng central London at nagtapos sa misa sa St Paul’s Cathedral. Walang banggit sa balita kung saan inilagak ang kanyang mga labi bago ilibing pero alam kong galing ito sa morge sa tabi ng aming compound. Alam ko dahil pinanood ko gamit ang aking teleskopyo nang isakay sa karo ang kanyang kabaong isang araw bago ang libing. Pinanood ko rin habang isinuot ng mga armadong pulis ang kanilang bulletproof vest. Ilan sa kanila ay pumasok pa sa aming compound upang tiyaking walang mga kaduda-dudang taong umaaligid. Nakita siguro nila akong nakadukwang sa may bintana, nanlalaki ang mga mata at aligaga sa helicopter na pumapaikot-ikot sa ibabaw.

Tumawag ako sa aking asawa at naglahad ng minu-minutong update.

Nandito na ang pulis! Nasa bakuran natin!

Ibaba mo yang teleskopyo mo.

Bakit naman?

Baka isipin nilang sniper ka. 

Ni hindi sumagi sa isipan kong mapagkamalang sniper. Sino naman ang babarilin ko? Bangkay?

Tumakbo ako papalabas ng Chalk Farm Road upang abutan ang convoy. Sa isang panig ng kalsada, pumalakpak ang mga nanonood. Sa kabila, tumalikod ang mga tao sa dumaraang karo bilang protesta. 

Kahit na ang pinakamalupit na diktador ay may mga alagad. Ipagyayabang nila ang mga monumentong itinayo, ang katumpakan at kadakilaan ng kanilang idolo. Na para bang walang mga buhay na nasira, walang nagdusa, walang mga lipunang binasag. 

Si Ferdinand Marcos man ay mga loyalista. Ang pagkakaiba lang, namatay siya sa Hawaii noong 1989, tatlong taon matapos siyang pabagsakin ng pag-aalsa. Walang bangkay na naiwan upang tuyain o parangalan. Si Thatcher naman ay bumaba sa puwesto noong 1990, matapos ibasura ng kanyang mga kapartido.

Halos beinte anyos pa lamang kaming mag-asawa noong mga taong ito, at mula sa magkabilang-dulo ng mundo, nasaksihan namin ang sunod-sunod na ulat tungkol sa pagpatay kay Nicolae Ceausescu ng Romania, ang masaker ng mga aktibista sa Tiananmen Square sa Beijing, at ang pagtibag sa Berlin Wall. Kanya-kanyang pagpapahayag ng pagtutol, kanya-kanyang pagsasabuhay ng paghihimagsik. Sino’ng makakapagsabi kung ano ang inabot nina Marcos o Thatcher kung naiba nang bahagya ang mga pagkakataon at kalagayan ng aming mga lipunan? Imposibleng sukatin ang puwersa at hugis ng poot ng mga mamamayan.

/end

Published May 26, 2022
© Carla Montemayor 2021

Broken

Written in Filipino by Carla Montemayor


Translated into Engish by Carla Montemayor

It is April the 8th 2013. The television flickers with the day’s news and the headline is Margaret Thatcher’s death at the age of 87. My husband Andy groans. He’s going to bed, he says, but doesn’t budge from the sofa. I nod, glued to the screen, trying to process the torrent of flashbacks and vox pops. She transformed this country. She ruined it. Dingdong, the witch is dead. Iron Lady. 

He cusses and launches into a jeremiad. Poll Tax riots, the miners’ strike in 1984! He marched in support of the miners, he says, and was nearly trampled by a horse. She thrashed whole industries! Iron Lady. Scoff.

I let him expend his anger. It’s his turn. In our five years together, he has mostly been at the receiving end of my rants triggered by the news or letters from the Home Office. Once he’d put on the CD of Here Lies Love, a musical about Imelda Marcos by David Byrne and Fatboy Slim, musicians we both admired. He was stunned by the shower of shrapnel from the detonation. Is this supposed to be an homage? Like Evita? They’re singing about dictators’ wives?

Tonight he winds down and slopes off to bed after giving me a distracted good night kiss. I stay up, shuffling from telly to Facebook and Twitter. What are people saying in the streets, in the pubs? It’s one thing to have read about the upheavals and the ideological fissures of an epoch, it’s another to be on ground zero where resentments are fresh and granular.

A couple of hours into surfing, I hear vehicles pull up in the alleyway next to our development. It’s the back entrance to undertakers’ premises. I hear men’s voices, the swoosh and thwack of van doors sliding open and shut. I report this to Andy as I get into bed. Probably another stabbing, he mutters. It is past one in the morning and he can’t sleep. 

I am unable to calm him, just as he was unable to calm me. We were both kids during the Thatcher and Marcos eras. The rage is cellular. It has lodged and lengthened within the softest bones of childhood.

*

What are broken biscuits?

That’s the most middle-class question I’ve ever heard.

You mean there are people who eat biscuit crumbs?

He laughs for ten solid minutes. I’m pretty fluent in English, as it is one of the official languages of the Philippines. However, there are still gaps in our understanding of certain terms. For example: The direct translation of ‘broken’ in Tagalog is basag. Not whole. In pieces.

Broken biscuits are not crumbs, he explains. They have small imperfections, they may be out of shape, and sold for cheaper than regular biscuits. It’s like broken rice then, then. The grains have been damaged in some way during the long journey from paddy field to granary. It’s still rice and it tastes the same. We used to buy it at Kadiwa, a government-subsidised shop selling staples during the harshest economic crises of 1980s Philippines. 

Broken biscuits or broken rice, they tasted the same, we said. Each shared memory is a bridge. Each word is anchored in experience. In sharing our vocabularies, we share our pasts.

Were you poor? This is a question we’ve asked each other in various guises as we try to reconstruct each other’s childhoods. It’s a difficult one. What is ‘poverty’ for each of us? Categories don’t track neatly across countries. When he speaks of poverty, it has to do with not having the latest toys when he was a child, living in Hackney and in council housing with an outdoor loo, of needing a full grant to attend university in the days when tuition was free. 

The poverty I know, that rumbled and festered all around me in Manila, was close kin to hunger. My family might have bought broken rice occasionally but we never went without. The emaciated children who pushed a wooden cart and knocked on our gate to ask for scraps, my friend B who collected slop house to house to feed their pigs, Aling Lilia who washed our clothes for a living – they were poor. My mother’s family, foraged for clams along the seaside on their way back from school, they were poor. Eat everything on your plate, you’re lucky you have food to whinge about.

The same goes when we spoke about ‘freedom’ or ‘democracy’ or ‘repression’. I know of police brutality in Thatcher-era Britain, the riots, the persecution of dissenters, the Troubles. But there are still vast differences when compared to the Marcos era. 

As hated as Thatcher was, she was elected into office multiple times. Ferdinand Marcos was elected in 1965, he declared Martial Law in 1972 and stayed president by force until he was toppled in 1986. I knew no other president from when I was born until I turned 16. In that span of time, 70,000 Filipinos had been imprisoned, 35,000 tortured, and 3,240 killed. These are the documented cases. Countless others were slaughtered or disappeared whose bodies have yet to be found.

Worsening poverty, armed conflict and the regime’s deliberate policy of exporting labour pushed Filipinos into the diaspora we know today. In 1975, over 36,000 left for contract work abroad. Ten years later, this number had ballooned to nearly 328,000. Another decade and it reaches several millions. If we count all Filipinos like myself who left for reasons other than work, the number in 2013, the year of Margaret Thatcher’s death, stood at 10.2 million scattered across 100 countries in what is one of the world’s largest diasporas.  A tenth of us had been torn from the body politic.

I didn’t know all this when I was growing up. The history and vocabulary would come later, when I entered university after the dictatorship’s collapse in 1986 and joined the ranks of shell-shocked adults trying to make sense of what we had survived.

All I was aware of as a child was a low, pervasive hum. Whispered reminders that one was not to snigger at Imelda Marcos’s laughable singing voice tormenting us on national television. The tense silence between my parents when a tattoo of car horns erupted in protest as we sat in traffic: MARcos, HITler, DIKtador, TUta. Marcos, Hitler, Dictator, Lapdog. 

There was no need for words. The rhythm alone spelled out our affliction. 

I knew not to ask out loud who had savaged the corpse I glimpsed by the roadside one morning as my father drove us to school. It lay face down at the edge of the tall grass, hands trussed, denim jeans soaked in blood. An idea of evil was forming in my young mind. Vague yet precise. Whoever the butchers were, they wanted not only to kill but to punish. They wanted to silence us with nightmares.

*

In 1980 or 1981, my father started working as a prosecutor at the Ombudsman, then known as the Tanodbayan—the nation’s watchmen. It is a special court for criminal cases against public officials and civil servants set up by the Marcos regime to prosecute and try crooks in government (apart from the biggest of fish, of course). 

A young couple calls on my father at home one evening. A young lawyer and his girlfriend. My father is a civil servant and can’t take on private cases but people visit regularly to ask for legal advice. My mother seats them in the living room and herds us into the dining area. She shuts the door. 

Then there is a yell, a gush of filthy words from my father followed by a crash. We rush into the living room thinking he has been attacked by his guests. It’s not very clear to me at the age of eleven or twelve why anyone would want to harm my parent but the possibility of violence has been drilled into us. Crooks don’t like me, is all he says. If you hear gunshots, dive to the floor and stay there. 

Fag ends and broken bits of my father’s crystal ashtray lie scattered around the main door. The couple has scampered to their car and my father is at the gate, still yelling as they try to drive away. 

The whoreson asshole had offered him a bribe to throw a case, my father explains once we’re back indoors. He had probably taken one look at our house, the address well out of the respectable districts, the clapped-out jeep my father drove, and thought he’d make his move. Nothing too crass, just a little incentive for the prosecutor – an outstanding one, with an inordinately high record of convictions – to take it easy on him in the courtroom. So he brought out a fat envelope of money and laid it down on the coffee table. And that is when my father screamed at them to get out of his house and lobbed the ashtray at their retreating backs.

My father was used to such offers, dangled at fancy lunches and parties into which he had innocently sauntered. Tonight was different. Corruption had crossed into our threshold.

Yung mga bata, he kept repeating to my mother. Mga bata. The kids. This was what triggered his outrage. Someone had set foot in his home and tried to corrupt him while his children were in the next room. 

This was how I understood what a ‘tyranny’ was. It has no direct equivalent in Tagalog. I had only read it in the underground newspapers my parents smuggled home. A tyranny, I thought, was a giant enclosure within which my parents, my classmates, my neighbours, everyone I knew, was trapped. No one was untouched by its malignant force. It warped people so that the simplest act of honesty became a dangerous task. 

*

Margaret Thatcher’s funeral was held in Westminster on April 17th 2013. A grand affair involving a procession throughout central London and ending with a service at St Paul’s. There was no information in the media about where her body had been kept but I know exactly where it had been kept. I know because I watched through my binoculars as her coffin was loaded onto the hearse in the alley next door. I watched armed police put on armoured vests. I saw police officers enter our development to check for suspicious activity. They must have seen me at the window, gawping at them and at the helicopter overhead.

I gave Andy a breathless blow-by-blow account over the phone.

The police are here! They’re roaming around in the yard!

Put your binoculars down and step away from the window.

Why? 

Because they might think you’re a sniper.

This had not occurred to me at all.  Who would I shoot? A corpse?

 I rushed out to Chalk Farm Road to catch the convoy flanked by cheering spectators on one side, and a line of protesters with their backs turned on the other. 

The most ruthless political leaders will have their loyalists, I suppose. They will cite monuments and bridges built, intellects and visions brandished. As if these erased the suffering caused, lives ruined, societies blighted. 

Ferdinand Marcos had his own faithful. The difference is that he died in exile in Hawaii in 1989, three years after he was deposed. There was no body to rally around, to jeer at or to honour. Thatcher resigned the following year after her fellow Tories junked her.

Andy and I were in our early twenties during these years and would both hear news of the execution of Nicolae Ceaușescu in Romania, the Tiananmen Square protests in Beijing, and the dismantling of the Berlin Wall. Each a different expression of resistance, each a living act of revolution. Who can tell what would have happened to Marcos and Thatcher had the circumstances been slightly different? It’s impossible to calculate the shape and force of a people’s rage. 

/end

Published May 26, 2022
© Carla Montemayor 2021

Narumek

Written in Filipino by Carla Montemayor


Translated into Ilocano by Junley Lazaga

Maika-8 ti Abril 2013. Agkiraykiray iti telebision dagiti damag iti daytoy nga aldaw ket ti kangrunaan a damag, ti ipupusay ni Margaret Thatcher iti edad a 87. Nagasug ni lakayko a ni Andy. Mapan maturogen, kunana, ngem di met aggaraw iti puestona iti sofa. Nagtung-edak, sisisirig iti TV, padpadasek nga utoben ti agus dagiti flashback ken dagiti vox pop. Pinagbalbaliwna daytoy a pagilian. Dinadaelna. Dungngo, natayen ‘diay bruha. Iron Lady.

Nagrasaw sa nagsasaganad dagiti sennaay. Dagiti riot iti Poll Tax, ti welga dagiti minero idi 1984! Nagmartsa tapno suportaranna dagiti minero, kunana, ken nganngani nabaddekan ti kabalio. Imbautbautna dagiti sibubukel nga industria! Iron Lady. Naglais.

Binay-ak nga ibusenna ti pungtotna. Batangna. Iti lima a tawen a panagdennami, ad-adda nga isuna ti makangkangngeg kadagiti panagbasbassawangko iti luksawko a maigapu kadagiti damag wenno dagiti surat manipud iti Home Office. Iti naminsan, nangipabuya iti CD ti Here Lies Love, maysa a musical maipanggep ken ni Imelda Marcos, nga obra da David Byrne ken Fatboy Slim, dua a musiko nga agpada a pagraemanmi. Naklaat iti burais ti shrapnel manipud iti bimtak a bomba. Panagpadayaw kadi koma daytoy? Kasla Evita? Agkankantada maipanggep iti asawa dagiti diktador? 

Ita a rabii, in-inayad a nagsimpa ken sitatalinaay a nagilad iti kama kalpasan nga impaayannak iti nasinga a good night kiss. Nagtalinaedak a nakariing, agakar-akar iti TV, sa iti Facebook ken Twitter. Aniat’ kunkuna dagiti tattao iti kalkalsada, kadagiti pagiinuman? Sabali laeng no nabasbasam ti maipanggep kadagiti panagalsa ken dagiti ideolohikal a panirigan ti maysa a panawen, sabali laeng no addaka iti lugar a nakapasamakan a dagiti nauneg a gura, mariknam a mismo ken detaliado. 

Kalpasan ti sumagmamano nga oras ti panagsapulsapul iti internet, nakangngegak kadagiti lugan a nagsardeng iti eskinita iti kabangibang ti ayanmi. Likud a sumrekan a mapan iti ayan dagiti agimatmaton iti puneraria. Adda nangngegko a timek ti lallaki, ti uni ti napartak ken napigsa a panaglukat-rikep ti ruangan ti van. Imbagak daytoy ken ni Andy bayat ti panagiladko. Nalabit adda manen nabagsol, intanamitimna. Pasado ala-unan iti parbangon ken saanen a makaturog. 

Diak kabaelan a pakalmaen, kas met a dinak kabaelan a pakalmaen. Agpadakami nga ubbing kadagidi panawen da Thatcher ken Marcos. Adda ti pungtot iti tunggal linabag ti sibibiag a lasag. Nagnaed ken rimtab kadagiti kaluluknengan a tulang ti kinaubing. 

*

Ania ti “broken biscuit”? 

Daytoy pay laeng ti nangngegko a saludsod a middle class la unay.

Kayatmo sawen, adda tattao a mangmangan iti maregmeg ti biskuit iti daytoy a pagilian? 

Diretso a nagkatkatawa iti sangapulo a minuto. Nasayud ti panagsaok iti Ingles, ta maysa daytoy kadagiti opisial a lengguahe iti Filipinas. Nupay kasta, adda latta pagkurangan ti pannakaawatmi kadagiti sumagmamano a termino. Kas pangarigan: ti direkta a patarus ti “broken” ket narumek. Saan a sibubukel. Tippitipping.

Ti “broken biscuit,” mabalin a makuna a tipping a biskuit, saan a maregmeg, impalawagna. Addaan iti babassit a pagkuranganda, mabalin a saan unay a nasayaat ti sukogda, ket mailako a nalaklaka ngem iti regular a biskuit. Kasla ngarud “broken rice” idi. Pegpeg. Adda dagiti tinukel a narumek gapu iti atiddog a panagdaliasat manipud iti taltalon agingga iti agamang. Dati a gatgatangenmi iti Kadiwa, maysa a pagtagilakuan kadagiti gagangay a taraon kas iti bagas, a pinunduan ti gobierno kadagidi karigat ti krisis ti ekonomia kadagidi 1980 iti Filipinas. 

Tipping a biskuit wenno pegpeg a bagas, agpapadada iti raman, kinunami. Tunggal agpada a lagipmi ket maysa a rangtay. Tunggal balikas, nakaangkla iti kapadasan. Iti panagbimbinninglaymi iti bokabulariomi, ibingbinglaymi ti napalabasmi. 

Nakurapaykayo kadi idi? Daytoy ti maysa a saludsod a dinamdamagmi iti tunggal maysa iti nadumaduma a wagas iti panangpadpadasmi a buklen manen nga awaten ti kinaubing ti tunggal maysa. Narigat a saludsod. Ania ti “kinakurapay” para iti tunggal maysa kadakami? Saan nga umanay ken mayeksakto ken saan nga agpapada kadagiti kategoria iti nadumaduma a pagilian. No saritaenna ti kinakurapay, maipanggep iti saan a panagtagikua iti kabaruan nga ay-ayam idi ubing isuna, panagnaed iti Hackney ken iti “council housing” nga adda iti ruar ti kasilias, ken iti panagkasapulan iti pondo tapno makaadal iti kolehio kadagiti tiempo a libre ti matrikula. 

Ti ammok a kinakurapay, ‘tay naariwawa ken immukuok iti aglawlawko sadiay Manila, ket nasinged a kabagian ti bisin. Mabalin a sumagmamano a gimmatgatang ti pamiliak iti pegpeg ngem saankami a naaw-awanan. Dagiti kimmuttong unay a kasla rurog laengen nga ubbing nga agidurduron iti kariton ken agtoktok iti gate-mi a dumawat iti basura, ti gayyemko a ni B a nagbalbalaybalay nga agkolekta iti tedtedda nga ipakanda kadagiti baboyda, ni Baket Lilia nga aglablabandera—nakurapayda. Ti pamilia ni nanangko, a nagal-ala kadagiti karibuyo iti igid ti baybay no agawidda manipud iti eskuelaanda, nakurapayda. Ibusem ti adda iti pingganmo, nagasatka ta adda makan a pagdanengdengam. 

Kasta met laeng no ti pagsaritaanmi ket maipanggep iti “wayawaya” wenno “demokrasia” wenno “represion.” Adda ammok maipapan iti kinaranggas dagiti polis iti Britania idi tiempo ni Thatcher, dagiti riot, ti persekusion kadagiti komunkontra, ti Troubles. Ngem adu latta ti dakkel a nagdumaan ti tiempo ni Marcos. 

Adu man ti nanggurgura  ken ni Thatcher, namin-ano a nangabak iti eleksion. Nangabak ni Ferdinand Marcos iti eleksion idi 1965, indeklarana ti Martial Law idi 1972 ken puersado a nagtalinaed a kas presidente agingga a napatalaw iti poder idi 1986. Awan ti ammok a sabali a presidente sipud nayanakak agingga agtawenak iti 16. Iti dayta nga unos ti tiempo, 70,000 a Filipino ti naibalud, 35,000 ti natortiur, ken 3,240 ti napapatay. Dagitoy dagiti naidokumento a kaso. Saan a mabilang dagiti dadduma pay a napapatay wenno saan ket desaparesido nga agingga ita ket a saan pay nabirokan. 

Ti kumarkaro a kinakurapay, armado a risiris, ken ti nairanta a polisia ti rehimen maipapan iti panang-export iti panagobra ti nangiduron kadagiti Filipino iti diaspora a pagaammotayo ita. Idi 1975, nasurok 36,000 ti pimmanaw iti pagilian tapno agtrabaho a nakakontrata iti abroad. Sangapulo a tawen kalpasanna, ad-adda nga immadu daytoy a bilang iti agarup 328,000. Maysa pay a dekada ti napalabas, immabut iti minilmilion ti bilangda. No bilangentayo dagiti amin a Filipino a kas kaniak a pimmanaw gapu ti sabali a rason malaksid iti trabaho, ti bilangda idi 2013, ti tawen a pannakatay ni Margaret Thatcher, ket addan iti 10.2 a milion a naiwaras iti 100 a pagilian, ti maysa kadagiti kadadakkelan a diaspora iti lubong. Apagkasangapulo kadatayo amin, napirsay manipud iti pakabuklan. 

Saanko nga ammo amin dagitoy idi dumakdakkelak. Dimteng laeng ti pakasaritaan ken bokabulario idi addaakon iti kolehio kalpasan ti pannakarpuog ti diktadoria idi 1986 ken idi simmaliak kadagiti padak a napakigtotan a nataengan a mangikagkagumaan a maawatan ti nalasatmi a pagteng. 

Ti laeng adda iti puotko a kas ubing ket maysa a nakapsut, nasaknap a dayyeng. Mayarasaas a bilin a nasken a di garikgikan ti panagkankanta ni Imelda Marcos a mamagpasagaba kadakami iti TV iti entero a pagilian. Bimtak ti tensionado nga ulimek iti nagbaetan dagiti nagannakmi ken ti ariwawa dagiti bosina dagiti lugan dagiti agprotprotesta bayat nga addakami iti tengnga ti trapik: MARcos, HITler, DIKtador, TUta. Saan a kasapulan ti sao. Ritmona pay laeng, immanay a nangyebkas iti dagensenmi.

Ammok a saan a nasken a saludsodek no asino ti nangdusa iti bangkay a nasirpatak iti igid ti kalsada iti maysa nga agsapa nga immanehonakami nga intulod ni tatangko a mapan iti eskuelaan. Nakadasay a nakapakleb iti igid ti natayag a karuotan, nabedbedan dagiti imana, naupran iti dara ti maong a pantalonna. Asino man dagiti nangpapatay, saanda laeng a panggep ti pumatay no di ketdi mangparigat. Kayatda a patalnaendakami babaen dagiti batibat.

*

Idi 1980 wenno 1981, nangrugi ni tatangko nga agtrabaho a kas prosekiutor iti Ombudsman, managanan idi a Tanodbayan, ti parabantay ti pagilian. Naisangsangayan a korte para kadagiti kaso a kriminal a pakaidaruman dagiti opisial ti gobierno ken agtaktakem kadagiti posision iti gobierno nga impasdek ti rehimen ni Marcos, a pakaisaklangan ken pakadenggan ti kaso dagiti dakes a tattao nga adda iti gobierno (siempre, malaksid iti kadakkelan nga ikan). 

Iti maysa a sardam, immawag ken ni tatangko ti agkabannuag pay nga agnobio. Abogado ken ti nobiana. Agtaktakem iti serbisio publiko ni tatangko ken saan a mabalin nga umawat iti pribado a kaso ngem masansan a bumisita dagiti tattao nga agkiddaw iti legal a balakad. Pinatugaw ida ni nanangko iti sala, sa inyabugnak ken dagiti kakabsatko iti komedor. Inrikepna ti ruangan. 

Idi kuan, adda iriag, pimsuak dagiti dakes a balikas manipud ken ni tatangko a napasarunuan iti kanablaag. Timmaraykami iti sala iti pagarupmi a dinarup dagiti bisitana. Saan unay a nalawag kaniak iti edadko nga onse wenno dose no apay nga adda agpanggep a mangdangran iti dakkelko, ngem ti posibilidad ti kinaranggas ket naipasagepsepen kadakami. Kaguradak dagiti dakes a tattao, dayta laeng ti kunkunana. No makangngegkayo iti kanalbuong, agkulmegkayo iti suelo ket agtalinaedkayo dita. 

Dagiti rungrong ti sigarilio ken dagiti rumek ti kristal a sinisera ni tatangko ti nagkaraiwara iti ayan ti kangrunaan a ruangan. Nakatakiasdan iti kotseda ti agnobio ken adda iti gate ni tatangko, aglalaaw pay laeng bayat nga agpapaandardan a pumanaw. 

Nangidiaya ti anak ti diablo iti pasuksok tapno mangipaabak iti maysa a kaso, impalawag ni tatangko idi nakasublikamin iti uneg ti balay. Nalabit a kinitanan iti naminsan ti balaymi, iti adres nga adda kadagiti sidadayaw a distrito, ti nakadadaanen a dyip a manmanehuen ni tatangko, ket mabalin a nagplano iti aramidenna. Saan met unay a pangrabak, bassit laeng a gunggona para iti prosekiutor—maysa a kita a nalaing, addaan iti nakaskasdaaw nga atiddog a listaan dagiti nakonbiksion—tapno kalinnag-an iti rikna laeng iti uneg ti korte. Isu a nangitugot iti napuskol a sobre ti kuarta sa imparabawna iti lamisaan a pagkapean. Ket dayta ti gapu nga iniriagan ida ni tatangko a patalawen iti pagtaenganna ken impaarkona nga imbakal ti sinisera iti likudanda nga agtartaray a pumanaw. 

Nairuam ni tatangko kadagiti kakasta a diaya, a maisarita kadagiti nangayed a pangngaldaw ken padaya a napnapananna nakipulpulapolan a siiinosente. Sabali daytoy a rabii. Ania man a klase ti kinadakes ti nangsalsalaknibanna kadakami ket nakastreken iti pagtaenganmi. Dagiti ubbing, kanayonna a kunkuna ken ni nanangko. Dagiti ubbing. Daytoy ti nakaigapu iti rurodna. Adda simrek iti pagtaenganna a nangpadas a mangpasuksok kenkuana bayat nga adda iti bangir a kuarto dagiti annakna. 

Kasta a naawatak no ania ti “tirania.” Awan ti direkta a pakaitarusanna. Nabasak laeng kadagiti underground a periodiko nga inliblibas nga inyawid dagiti nagannakko. Ti tirania, impagarupko, ket higante a lakub a nakaipupokan dagiti nagannakko, dagiti kaeskuelaak, dagiti kakaarruba, amin nga am-ammok. Awan ti saan a nakuti ti dakes a puersana. Binakkogna ti nakem dagiti tattao tapno ti kasimplean a tignay ti kinanapudno ket nagbalin a delikado nga aramid. 

*

Ti pumpon ni Margaret Thatcher ket napasamak sadiay Westminster iti maika-17 ti Abril 2013. Nagarbo a pasken nga addaan iti prosesion iti aglawlaw ti sentro ti London ken nagleppas iti misa iti St. Paul. Awan impormasion iti damag no sadino ti nakaitabonan ti bangkayna ngem siguradoak no ayanna. Ammok gapu ta binuyak babaen ti largabistak bayat a naikarga ti lungonna iti karro iti eskinita iti laeng asidegmi. Nabuyak dagiti armado a polis a nagaruat kadagiti armoured vest. Nakitak dagiti opisial a polis a simrek iti lugarmi a nangkita kadagiti mapagduaduaan nga aktibidad. Nalabit a nakitadak iti tawa, kasla maag a nakaimatang kadakuada ken iti helikopter iti tangatang. 

Iti telepono, inyistoriak ken ni Andy ti tunggal detalye. 

Adda dagiti polis! Agronrondada iti arubayan!

Ibabam dayta largabistam ken umadayoka dita tawa. 

Ngem apay?

Ta amangan no ipagarupda a maysaka nga sniper. 

Saanko pulos a napanunot daytoy. Asino ti paltogak? Bangkay?

 Nagdardarasak a rimmuar iti Chalk Farm Road tapno makamakamko ti convoy nga inaribungbongan dagiti agbuybuya nga agrayray-aw iti maysa a banda, ken dagiti naintar nga agprotprotesta a nakatallikud kadakuada. Naipagarupko, addaan loyalista dagiti naulpit a dadaulo iti politika. Dakamatenda dagiti monumento ken rangtay a naipasdek, dagiti isip ken sirmata a naibando. A kasla la napunas dagitoy dagiti naibunga a panagsagaba, dagiti nadadael a biag, dagiti naburak a kagimongan. 

Addaan ni Ferdinand Marcos kadagiti bukodna a mamati kenkuana. Ti nagsupadian ket natay isuna iti destiero sadiay Hawaii idi 1989, tallo a tawen kalpasan a napatalaw iti turay. Awan ti bangkay a paguummongan a politikal, pagkomentarioan a panginsulto, wenno mapadayawan. Naglusulos ni Thatcher iti sumaruno a tawen kalpasan nga imbasura dagiti padana a Tories. 

Kadagitoy a tawen, agpadakami ken Andy a timmapog kadagiti edad beinte ken agpadakami nga agbuybuya iti damag maipapan iti eksekusion ni Nicolae Ceaușescu sadiay Romania, dagiti protesta iti Tiananmen Square sadiay Beijing, ken ti pannakarebba ti Berlin Wall. Asino ti makaibaga no ania ngata koma ti napasamak kada Marcos ken Thatcher no sabali la bassit dagiti sirkumstansia? Imposible a makalkula ti sukog ken puersa ti pungtot dagiti umili.

Published May 26, 2022
© Specimen 2021


Other
Languages
Filipino
English
Ilocano
English

Basag/Broken is a non-fiction piece about my accidental discovery of the secret location of Margaret Thatcher’s body upon her death in 2013. The incident triggers reflections on my youth during the Marcos era, and the parallels and contrasts between my and my (British) husband’s experiences during the same epoch, and how these shape our different understanding of English words such as poverty, freedom, and oppression.
– Carla Montemayor


Your
Tools
Close Language
Close Language
Add Bookmark