How do I begin to speak of floods that never cease to come,
of walls, slopes, ripraps and dikes that exist only on paper,
drawn in ink but never built on soil, where rivers rise
each year to claim our homes, and every typhoon becomes
a thief in the night? I have walked the streets after the storm,
mud crawling up the ankles, children coughing in the dark,
mothers cradling wet clothes instead of warm food,
fathers staring at the broken promise of cement bags
that never reached the riverbanks. They said protection
was poured here, that billions were laid like a foundation
against the flood, but I search the horizon for concrete,
for steel, for stone, for any proof that care was once
imagined for us. All I find is flood that remembers no kindness.
Each raindrop is a question: why must we drown in paper,
in signatures that line the pockets of ghosts, in blueprints that
rot in the office table, while our bodies are carried away
like driftwood? The cruelty is not the storm, for the storm
is only doing what storms must do. The cruelty is in the hands
that signed, in the eyes that looked away, in the silence that let
rivers swallow children whole. I carry the marks still, the sting
of water that seeped into my bones, the ache of lifting what little
could be saved, the helplessness of watching neighbors beg
for rescue boats that never arrived. How do you tell a child that
the flood was not nature’s fault, but the work of men who chose
not to build, who built only on paper, on corrupt imagination,
who crafted dikes made of lies and collusion? I want to believe
in hope, that there will come a time when rain is only rain,
when the sound of water on the roof is not the beginning of fear.
But until then, I carry this grief like a swollen flood in my chest,
rising, rising, rising, against the cruel deluge, against the ghosts
who promised safety but delivered more graves.
Published August 24, 2026
© Romeo Palustre Peña
Paano ko sisimulang magkuwento tungkol sa bahang walang patid ang pagdating,
tungkol sa pader, dalisdis, riprap at dike na umiiral lamang sa papel,
iginuhit ngunit hindi kailanman ipinagawa, kung saan umaapaw ang mga ilog
taon-taon upang angkinin ang aming mga tahanan, at bawat bagyo’y nagiging
magnanakaw sa gabi? Naglakad ako sa mga daan matapos ang bagyo,
hanggang bukong-bukong ang putik, mga batang inuubo sa dilim,
mga inang yakap ang basang damit sa halip na mainit na pagkain,
mga amang nakatitig sa wasak na mga sako ng semento
na hindi kailanman nakarating sa pampang ng ilog. May proteksiyong
ibinuhos dito ang sabi nila, na bilyon-bilyon ang inilatag na tila pundasyon
laban sa baha, inaapuhap at hinahanap ko ang kongkreto,
ang bakal, ang bato, ang anumang patunay na may nakaiisip
na alalahanin kami. Ang tanging natatagpuan ko’y bahang walang alaala ng kabutihan.
Tanong ang bawat patak ng ulan: bakit kailangan kaming malunod sa papel,
sa mga lagdang nagpapayaman sa mga bulsa ng mga multo, sa mga plano
at guhit na nabubulok sa ibabaw ng mesa sa opisina, habang ang aming mga katawan,
inaanod na parang troso? Hindi ang bagyo ang masahol,
ginagawa lamang ng bagyo ang dapat gawin ng bagyo.
Nasa mga kamay ng lumagda ang pagiging masahol, sa mga matang umiwas,
sa katahimikang pumayag na lunurin ng ilog ang mga bata.
Dala ko pa rin ang mga bakas nito, ang lupit ng bahang nanuot
hanggang sa aking mga buto, ang kirot ng pagsagip
sa kaunting maaaring iligtas, ang kawalang-magawang panoorin ang mga kapitbahay
na nagsusumamo sa mga bangkang pang-rescue na hindi kailanman dumating.
Paano mo sasabihin sa bata na hindi kasalanan ng kalikasan ang baha,
kundi gawa ng mga taong piniling huwag magpagawa,
kundi nagpagawa lamang sa papel, mga tiwaling gawain,
na lumikha ng mga dikeng yari sa kasinungalingan at sabwatan?
Nais kong maniwala sa pag-asa, na darating ang panahong ang ulan ay ulan lamang,
na ang patak ng ulan sa bubong ay hindi simula ng pangamba.
Ngunit hanggang sa panahong iyon, dala ko ang dalamhating ito
na parang rumaragasang baha sa aking dibdib,
patuloy na tumataas, tumataas, tumataas, laban sa mga multong
nangakong maghahatid ng kaligtasan ngunit ang inihatid ay kamatayan.
Published August 24, 2026
© Romeo Palustre Peña
Other
Languages
Your
Tools